Thursday, 5 March 2015

Ang Crush ni Louma

Naisip ko nung isang araw lang, ang tagal na pala magmula noong huli ako umibig. Masaya, nakakakilig, ngayon ko naisip na masarap pala talagang mainluv kahit na minsan merong lungkot at iyak.

Kailan pa ba iyon hindi ko na 'ata matandaan, basta ang alam ko lang eh, nagwo-work ako nun sa paranaque. Batch 4 kami sa mga pumasa, mga dalawampu’t lima ata kami. Focus lang ako nun sa work kaya hindi ko napapansin ang mga guys meron din naman akong crush wala nga lang sa batch namin.

Natatandaan ko pa noon si louma na batchmate namin, grabe crush na crush niya yung isang ring ka batch namin ako deadma lang kasi medyo mahiyain pa ako noon. Nasa employees canteen kami nun tinuturo ni louma yung crush nya habang kinikilig pa sya ang gwapo raw nung guy na nasa smoking area na naka-maroon na shirt tinignan ko naman sabi ko sarili ko hindi naman ka gwapuhan tama lang kahit gwapo naman talaga, tapos nagssmoke pa turn-off talaga.

Ilang sandali lang lumapit yung guy kakainis kasi sa akin pa gustong maki-share ng seat ayoko sana kaya lang wala ng kong magawa nakaupo na sya, medyo natarayan ko pa nga kasi amoy yosi sya, sabi ko umusog ng konti. Akala siguro nung guy ako ung may crush sa kanya kaya naman dun sya sa akin naki-seat. Tuwang-tuwa naman itong si louma kasi lumapit sa amin yung crush nya at naka-seat in pa. Actually nung time na yung gusto kong himatayin sa hiya kasi akala nung guy ako ung may crush sa kanya, ito namang si louma eh deadma lang while staring to her crush, iniisip ko hindi pa ba aalis itong guy na 'to.

The next day si lejo yung isa rin naming ka-batchmate nanliligaw ata sa akin hindi ko alam nakisabay sa pag-uwi, at unfortunately itong crush ni louma eh nakasabay pa namin sa employee’s shuttle at kasama rin ung isa naming ka batch na si lj(guy po sya!!!) itong si lejo eh excited na pinakilala pa ako sa crush ni louma, sabi nya eh ka-batchmate rin nila ako, without lejo’s knowing eh na-meet ko na yung gunggong na yun. Nakatingin sya sa akin na parang nakakaloko siguro akala nga nya eh ako yung may crush sa kanya. Gusto ko sanang sabihin eh, "excuse me hindi ikaw yung type ko noh!!!!" pero umiral pa rin yung pagiging mahiyain ko, di pa nakuntento yung crush ni louma tinanong pa ako kung saan ako nakatira, ayoko naman maging bastos kaya sinagot ko ng totoo, nagulat ako kasi sabi nya "What a small world pareho pala tayo ng tinitirhan magkaibalang ng subdivision" parang gusto ko ng tumalon sa shuttle ano ba 'toh, malapit lang pala sa akin 'tong mokong na toh ibig sabihin may chances ko pa syang makita at makasabay sa pagpasok.

Ilang sandali pa napansin na ata ni lejo na parang kinikilatis na ako ng crush ni louma kasi ang dami ng personal matters na tinatanong sa akin, kaya itong lejo nagpaka-exag, sinabi pang ihahatid nya ako, kasi nga "˜tong crush ni louma eh, in-ooffer nyang sumabay na lang ako sa kanya tutal we have the same way, pero inunahan na sya ni lejo hindi ko alam pero bigla akong nanghinayang. Bigla kong tinanong yung sarili ko kung bakit, eh ayoko naman dun sa guy nay un.

The following days hindi ko alam kung anong nangyari lagi ko na syang kasabay. Hindi ko na sya palaging nakikitang nag-yoyosi, wala na rin yung amoy yosi nya sa katawan mabango na sya sobra. Nahuhuli ko rin sya na palaging nakatingin sa direksyon ko at umuupo sa tabi ko pero dinededma ko lang kasi hindi naman ako yung may crush sa kanya. Nasa dyip kami nagku-kwentuhan ng sabihin nya na yung liligawan nya na girl eh, dadalhin nya dun sa isang pinakamagandang lugar na nasa midst lang ng maynila, at dun raw nya papasagutin. Sabi ko ang swerte naman nung girl kasi ang sweet naman nung place.

via - google

One time tinanong nya ako kung gusto kung pumunta dun sa place na sinasabi nya, sabi ko bakit nya ako dadalhin dun eh yung girl lang na nililigawan nya ang dadalhin nya dun, pero sabi nya friend naman nya ako kaya ok lang, so pumayag ako ang ganda nga nung place ang lamig nung simoy ng hangin sa tabing dagat lalo pa’t gabi ang gandang tignan ng harbour lights. Maya-maya hinawakan nya yung kamay ko sabi nya kung pwede raw bang hawakan, umo-o lang ako kasi nga parang nabatubalani na ako sa tingin nya sinabi nyang he loves me, napatulala ako, hindi ako nakaresponse agad para bang may kung ano sinagot ko sya ng oo kahit alam kong hindi ko pa sya mahal.

Hindi ko alam kung sweet nga ba sya kasi pinakikialaman nya ng lahat lahat sa akin pati cologne ko pinalitan nya, ang sinusuot ko mayroon ng hindi pwedeng suutin, naiinis na ako pero hindi ko alam sumusunod pa rin ako sa kanya, kahit sinasabi ko sa sarili ko na hindi ko naman sya mahal at kung magbreak kami di siguro ako masyadong ma-apektuhan.

Ilang buwan pa lang nagplano na syang magpapa-kasal kami pero ayoko kasi nga hindi pa ako sigurado sa kanya at sa nararamdaman ko yun ang hindi ko masabi sa kanya, kasi ang alam nya mahal ko rin sya tulad ng pagmamahal nya sa akin. Nakaka-guilty pero ewan ko ba hindi ko sya talaga kayang i-break.

Naglu-lunch break kami nun sabi nya may family problem daw sya, kailangan muna raw nya ng space o cool-off pero sabi nya kung hindi raw ako papayag ok lang daw, kaya lang nung mga oras na "˜yon umiiral sa akin yung pride kaya sabi ok lang. Nagcool-off kami siguro mga 1-week hindi kami nagkikibuan, kahit nagkakasalubong sa hallway ng office hindi pa rin kami nagpapansinan, sabi ko ang weirdo naman ng cool-off parang hindi ko kaya. Hindi ko namalayan iniiyakan ko na pala sya, nasasaktan ako ng wala syang pakialam sa akin, namimiss ko na yung pakikialam nya sa personal things ko, namimiss ko rin yung araw-araw na magkasabay kami sa dyip habang natutulog ako sa mga braso nya, at yakap-yakap nya ako. Namimiss ko na rin yung pangungulit nya, pero hindi ko pa rin inaamin sa sarili ko na mahal ko sya sabi ko lang madaya sya.

Tuesday kinausap ko sya sabi ko tatapusin ko na yung cool-off naming kasi gusto ko na sya ulit makasama tulad ng dati, pero nagulat ako ng sabihin nyang ganun muna kami friends, umiyak ako ng umiyak sabi ko hindi ko kaya ang ganun, natatakot ako na baka maghintay lang ako sa wala. Kahit masakit sa akin nakipagbreak ako.

Nung birthday ko after ng break namin pumunta sya dinilhan nya ako ng Holland tulips na peach ang kulay nagulat ako, pero hindi ko alam parang ayoko na sya ulit makasama, pero kapag wala naman sya hinahanap ko sya.

Gabi’t araw umiiyak ako kapag naalala ko nung kami pa, hindi ko na malayan na limang taon na pala akong naguubos ng panahon saka kakaiyak sa nakaraan namin.

Pagkatapos ng limang taon na realize ko gusto ko na ulit umibig.

(Disclaimer: This post was written about someone whom I deeply known, and this is a true story)
written: 12/9/05
 
The Thing Called...LoVe Blogger Template by Ipietoon Blogger Template